Mga tulong at kagamitan / Aids and equipment
Downloads
Ang mga tulong at kagamitan ay maaaring makatulong upang mapadali ang iyong mga pang-araw-araw na gawain. Maaaring kabilang dito ang mga wheelchair at scooter, mga pantulong sa pandinig o paningin, kagamitan para sa kalusugan, mga hayop na pang-serbisyo, at mga kasangkapang nakatutulong sa mas malinaw na komunikasyon.
Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:
Pangkalahatang mga iskema ng kagamitan at serbisyo
Mga programa at organisasyon ng gobyerno na nagbibigay ng kagamitan
Mga kagamitang pantulong sa komunikasyon at mga serbisyo
Mga kagamitan na makakatulong sa iyo sa mga kahirapan sa paningin, pagsasalita, pandinig, o pag-aaral
Impormasyon ng gobyerno at mga organisasyong may kaugnayan sa mga hayop na pang-serbisyo.
Paggamit ng teknolohiya upang manatiling konektado
Impormasyon at pagsasanay tungkol sa paggamit ng teknolohiya upang masulit ang iyong mga kagamitan
3.1 Pangkalahatang mga iskema ng kagamitan at serbisyo
May mga inisyatiba na nakatuon sa pagbibigay ng tulong kaugnay sa kagamitan upang mapadali ang paggalaw. Maaaring ito ay nasa anyo ng pinansyal na suporta, mga serbisyo, at mga produkto. Kabilang sa mga halimbawa ang mga wheelchair para sa paggalaw, mga binagong sasakyan para makapagmaneho, at mga hoist na tumutulong sa pagbuhat sa iyo.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.
3.2 Mga kagamitang pantulong sa komunikasyon at mga serbisyo
May iba’t ibang teknolohiyang magagamit upang matulungan kang makipag-ugnayan, anuman ang iyong suliranin sa paningin, pandinig, pag-unawa, o pagsasalita.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo.
3.3 Mga hayop na pang-serbisyo
Ang hayop na pang-serbisyo (tulad ng aso o iba pang hayop) ay maaaring makatulong sa mga taong may kapansanan gaya ng pagkawala ng paningin o pandinig, pisikal na kapansanan, o sikososyal na kapansanan. Ang mga hayop na pang-serbisyo ay espesyal na sinanay upang mapagaan ang epekto ng kapansanan, kinikilala sa ilalim ng Disability Discrimination Act 1992, at may karapatang ganap na makapasok at makagamit ng mga pampublikong pasilidad. Ang mga regulasyon na namamahala sa mga hayop na pang-serbisyo ay responsibilidad ng mga pamahalaan ng estado at teritoryo.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.
3.4 Paggamit ng teknolohiya upang manatiling konektado
May mga serbisyong at pagsasanay na maaaring makatulong sa iyo upang matutunan kung paano gamitin ang teknolohiya upang mapanatili ang koneksyon sa iba.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.