Pagkakaroon ng Trabaho / Employment

Downloads

May mga tulong at serbisyo upang madagdagan ang iyong kasanayan at tiwala sa sarili sa paghahanap at pagpapanatili ng trabaho. Kahit na sa isang bukas o suportadong kapaligiran, may mga suporta na makakatulong sa iyo na makagawa ng makabuluhang trabaho.

Naglalaman ang seksyong ito ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:

Pagsasanay sa trabaho

Karanasan sa trabaho at mga kurso sa pagsasanay upang matuto ng mga bagong kasanayan

Paghanap at pagpapanatili ng trabaho

Tulong sa paghahanap ng trabaho kung ikaw ay nagsisimula pa lamang o lumilipat ng trabaho

Ang iyong mga karapatan sa trabaho

Ano ang iyong mga karapatan sa trabaho at paano ito ipagtatanggol kung may diskriminasyon

2.1 Pagsasanay sa trabaho 

May mga oportunidad na magagamit upang matulungan kang maging handa sa trabaho. Maaari kang sumailalim sa pagsasanay upang matuto ng mga bagong kasanayan o palawakin ang mga kasanayang mayroon ka na. Maaari itong makatulong sa iyo na makahanap at mapanatili ang isang trabaho.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

2.2 Paghanap at Pagpapanatili ng Trabaho 

Minsan, mahirap makahanap at mapanatili ang isang makabuluhang trabaho. Maaaring bago ka pa lamang sa trabaho o bumabalik matapos ang isang pahinga. Marahil nais mong subukan ang ibang landas o mag-umpisa ng bagong karera. Sa pagbabago ng iyong sitwasyon, nagbabago rin ang mga suporta at serbisyong maaaring kailanganin mo.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

2.3 Ang iyong mga karapatan sa trabaho 

Ang mga taong may kapansanan ay may karapatang gumawa ng makabuluhang trabaho sa isang ligtas na kapaligiran na walang diskriminasyon. May karapatan kang magkaroon ng kaparehong oportunidad tulad ng iba sa iyong grupo. Bilang isang empleyado at kasamahan sa trabaho, nararapat kang tumanggap ng makatarungang pagtrato at sapat na suporta sa iyong tungkulin.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.