Transportasyon / Transport

Downloads

Maaaring maging mahirap ang paglalakbay o pagkilos kung limitado ang iyong kakayahang gumalaw sa anumang paraan. May ilang mga pagpipilian para matulungan kang makarating sa iyong pupuntahan. Ang Pamahalaan ng Australya, kasama ang mga pamahalaan ng estado at teritoryo, ay nagbibigay ng tulong-pinansyal para sa ilang uri ng transportasyon.

Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:

Pampublikong transportasyon

Mga diskuwento at tulong para sa paggamit ng bus, tren, light rail, at ferry

Transportasyong pangkomunidad

Mga lokal na biyahe na ibinibigay ng mga grupong pangkomunidad

Mga serbisyo ng taxi at rideshare

Mga programang may subsidyo para sa mga taxi at kaugnay na serbisyo sa inyong lugar

Pagmamaneho at pagpaparada ng sarili mong sasakyan

Pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho at ng permit sa paradahan para sa mga may kapansanan

Tingnan din ang Kalusugan at Kagalingan para sa impormasyon tungkol sa mga serbisyong transportasyon papunta at pabalik mula sa mga serbisyong pangkalusugan.

5.1 Pampublikong transportasyon 

Ang pampublikong transportasyon ay may iba’t ibang anyo tulad ng mga tren, tram, bus, at ferry. Kung kailangan mong sumakay ng pampublikong sasakyan, maaaring may tulong-pinansyal at mga serbisyong makatutulong upang maging madali at accessible ang iyong biyahe.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang mga serbisyong makukuha sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles

5.2 Transportasyong pangkomunidad 

May mga alternatibong paraan ng transportasyon na makatutulong sa iyong pagpunta mula sa tahanan patungo sa mga karaniwang lugar sa komunidad. Kasama rito ang mga lugar tulad ng pamilihan o sentrong medikal. Ang mga serbisyong transportasyong may mababang pamasahe ay kadalasang ibinibigay ng mga sentro ng komunidad o ng pamahalaang estado at lokal.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

5.3 Mga serbisyong pampasahero gaya ng taxi at rideshare 

Ang lahat ng estado at teritoryo ay may mga taxi na may akses para sa mga taong gumagamit ng wheelchair (WATs). Kapag magbu-book ng taxi, tiyaking humiling ng WAT kung kinakailangan mo ito. Maaari ka ring sumangguni sa pamahalaan ng iyong estado o teritoryo tungkol sa mas murang pamasahe. Karamihan sa mga pamahalaan ng estado o teritoryo ay nagbibigay ng subsidiya sa pamasahe ng taxi para sa mga taong may kapansanan.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

5.4 Pagmamaneho at pagparada ng sarili mong sasakyan 

Karamihan sa mga lokal na pamahalaan ay nag-aalok ng transportasyong pangkomunidad para sa mga residenteng may limitadong akses o walang sariling sasakyan at nahihirapang gumamit ng karaniwang pampublikong transportasyon. Makipag-ugnayan sa inyong lokal na konseho upang malaman ang tungkol sa kanilang serbisyong transportasyong pangkomunidad.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.