Pang-araw-araw na pamumuhay / Everyday living

Downloads

Maaaring kailanganin mo ng tulong sa mga gawain sa araw-araw tulad ng paglilinis, pamimili, pagluluto, at iba pang gawaing bahay. May mga suporta at serbisyo na magagamit na makakatulong sa iyo na mapanatili ang iyong kasarinlan.

Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:

Paglilinis at mga gawaing bahay

Mga programa at organisasyon na makakatulong sa iyo sa mga gawaing bahay

Tulong sa pamimili

Tulong sa pagbili ng mga kailangan mo, online man o personal

Mga serbisyo sa paghahatid at paghahanda ng pagkain

Serbisyo para sa paghahatid o paghahanda ng pagkain

Mga kasanayan sa pamumuhay

Mga serbisyong tumutulong para magkaroon ng kakayahang mamuhay nang mag-isa at may kasarinlan

7.1 Paglilinis at mga gawaing bahay  

Minsan ay mahirap panatilihing malinis at ligtas ang iyong tahanan ayon sa gusto mo. Maaaring kailanganin mo ng tulong sa paglilinis at pang-araw-araw na gawain upang manatiling maginhawa ang iyong pamumuhay sa tahanan. Maraming mga organisasyong handang tumulong sa mga gawaing ito.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

7.2 Serbisyong Tulong sa Pamimili  

Maaaring may mga serbisyong makatutulong sa iyo sa pagpaplano ng pang-araw-araw na pangangailangan, pagpunta sa tindahan, at pagsama habang ikaw ay namimili.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

7.3 Serbisyo para sa Paghahatid at Paghahanda ng Pagkain  

May mga pagkakataon na mahirap magplano at magluto ng pagkain. Maaaring mas madali para sa iyo kung may mga lutong pagkain na direktang inihahatid sa iyong tahanan. May ilang organisasyon na maaaring magpadala ng mga tagasuporta sa iyong tahanan upang tumulong sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

7.4 Mga kasanayan sa pamumuhay 

Maraming programang tumutulong sa mga taong may kapansanan na linangin ang mga kasanayan upang mapalakas ang kanilang kasarinlan at mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay. Kabilang dito ang mga grupong nagbibigay ng suporta sa kapwa, mga online na komunidad ng suporta, harapang mga workshop, at indibidwal na pagsasanay sa kasanayan.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang makukuha sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.