Libangan / Leisure
Downloads
Ang mga gawaing pampalibang ay makatutulong sa pagpapabuti ng iyong kalusugan at kagalingan, pati na rin sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Maaaring kabilang sa mga gawaing pampalibang ang palakasan, mga aktibidad sa komunidad, sining at kultura, mga kaganapan, at paglalakbay.
Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:
Mga paligsahan at gawaing pampalibang sa larangan ng palakasan
Mga pangkat at programang pampalakasan para sa mga taong may kapansanan
Mga gawaing panglibangan na isinasagawa sa inyong komunidad
Panahon ng bakasyon at pamamasyal
Mga kumpanya ng paglalakbay, mga lugar at kaganapan na sumusuporta sa mga taong may kapansanan
Mga gawaing panlipunan, pagpapanatili ng mga ugnayang panlipunan, at pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikisalamuha
9.1 Mga paligsahan at libangan sa larangan ng palakasan
Maraming mga oportunidad sa larangan ng palakasan sa Australya para sa mga taong may kapansanan na maaari mong salihan. Kabilang dito ang mga programang pampaligsahan para sa mga elite na atleta hanggang sa mga pampamayanang palakasan at libangan.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.
9.2 Mga programang pangkomunidad
Ang pakikilahok sa mga gawain sa komunidad ay isang mahusay na paraan upang makahanap ng bagong interes, ipagpatuloy ang iyong mga libangan, at makipagkaibigan. Maraming iba't ibang uri ng programa, pati na rin mga mapagkukunan ng impormasyon upang matulungan kang makilahok.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan sa ibaba upang malaman ang mga serbisyong makukuha sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.
9.3 Mga bakasyon at pamamasyal
Maraming pagpipilian para sa paglalakbay at pamamasyal. Maraming lugar ang may mga matutuluyang accessible at pook pasyalan. Mayroon ding mga organisasyon na makakatulong sa iyo sa pagpaplano ng iyong bakasyon o pamamasyal.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.
9.4 Buhay panlipunan
Maaari kang makahanap ng mga organisasyong nagbibigay ng mga aktibidad na panlipunan, pati ng mga organisasyong tumutulong sa pagpapanatili ng ugnayang panlipunan at sa paglinang ng iyong kasanayang makisalamuha.
Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo
Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.