Pabahay / Housing

Downloads

Mahalaga sa iyong kapakanan ang makahanap ng tirahang angkop sa iyong pangangailangan. May iba’t ibang uri ng pabahay sa Australya na maaaring umangkop sa iyong pangangailangan, at bawat estado at teritoryo ay nagbibigay ng payo at tulong tungkol sa pabahay. Suriin ang mga pagpipilian upang mahanap ang iyong tahanan.

Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:

Mga uri ng pabahay

Mga pagpipilian para sa sariling tahanan o pabahay na may suporta

Tulong sa bayad sa upa

Paghanap ng tirahan na tugma sa iyong mga pangangailangan

Ang iyong mga karapatan sa pabahay

Ano ang iyong mga karapatan sa pabahay at kung paano tugunan ang anumang uri ng diskriminasyon

4.1 Mga uri ng pabahay 

May iba’t ibang uri ng pabahay para sa mga taong may kapansanan—mula sa pamumuhay nang mag-isa sa abot-kayang pabahay, panlipunang pabahay, o pamumuhay kasama ang iba sa mga tahananag panggrupo o espesyal na tirahan. Isaalang-alang ang tahanang akma sa iyong pangangailangan at abot sa iyong badyet.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

4.2 Tulong sa upa 

May iba’t ibang uri ng tulong sa upa na maaaring makuha upang matulungan kang makaupa sa pribadong merkado ng pabahay. Maaaring makatanggap ka ng tulong mula sa pamahalaan ng iyong estado o teritoryo para sa pagbabayad ng bond o upa. Mahalagang sumangguni sa pamahalaan ng iyong estado o teritoryo upang alamin ang mga uri ng tulong na maaaring makuha at kung karapat-dapat kang makatanggap ng mga ito.

Alamin kung anong mga tulong ang maaaring makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

4.3 Ang iyong mga karapatan sa pabahay 

Ang pag-unawa sa iyong mga karapatan ay makatutulong upang maiwasan ang diskriminasyon sa iyong mga pangangailangan sa pabahay. Kung may problema ka sa iyong pabahay, maaari kang humingi ng tulong sa isang tagapagtaguyod upang makipag-ugnayan at makipagkasundo sa iyong landlord o provider.

Alamin kung anong mga tulong ang maaaring makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.