Kalusugan at kagalingan / Health and wellbeing

Downloads

Mahalaga para sa lahat ang pagpapanatili ng iyong kalusugan at kagalingan. Kasama rito ang kalusugan ng isip. Mayroong maraming serbisyong pangkalusugan at suporta na makatutulong sa iyo na makuha ang angkop na pangangalaga at mapanatili ang mabuting kalagayan ng iyong kalusugan.

COVID-19

Ang impormasyon tungkol sa suporta at bakuna laban sa COVID-19 ay makukuha rito.

Kalusugan at pangangalaga sa sarili

Mga gabay at kasangkapan para mapanatiling maayos ang kalusugan

Kalusugan ng isip at kagalingan

Mga serbisyong pangsuporta at apps na makakatulong sa iyong pagharap sa mga hamon ng buhay

Serbisyo sa kalusugan, mga doktor, at espesyalista

Maraming serbisyo ang dalubhasa sa pagtulong sa mga taong may kapansanan

Pahingang pansamantala

Pagkuha ng pang-emerhensiya at planadong pahinga sa pag-aalaga

Kasarian at seksuwalidad

Impormasyon tungkol sa kasarian at seksuwalidad, at mga serbisyong pangsuporta para sa komunidad ng LGBTIQA+

6.1 Kalusugan at pangangalaga sa sarili 

Bilang isang taong may kapansanan, maaaring kailangan mo ng dagdag na tulong para makuha ang tamang pangangalaga sa kalusugan at sarili. May mga organisasyon na maaaring makatulong sa iyong pangangailangan sa pisikal na kalusugan o personal na pangangalaga.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang makukuha sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

6.2 Kalusugan ng isip at kagalingan 

Ang positibong kalusugang pangkaisipan at kagalingan ay mahalagang bahagi ng iyong buhay. Mayroong mga serbisyo at teknolohiya na maaaring makatulong sa iyong kalusugang pangkaisipan at kagalingan.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

6.3 Serbisyo sa kalusugan, mga doktor, at espesyalista 

Maaaring kailanganin mong bumisita sa mga doktor, espesyalista, at therapist nang mas madalas kaysa sa ibang tao. Maraming serbisyo ang nakatuon sa pagtulong sa mga taong may kapansanan. Maaari ka ring humingi ng tulong upang makagamit ng mga serbisyong pangkalusugan, pati na ang mga serbisyong wala sa iyong lugar.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

6.4 Pansamantalang pahinga 

Maraming organisasyon ang nag-aalok ng serbisyo para makagpahinga ang mga tagapag-alaga. Maari ka ring mangailangan ng pansamantalang pangangalaga sa panahon ng emerhensiya, kung ikaw o ang iyong tagapag-alaga ay biglaang nagkasakit o hindi makapagbigay ng tulong.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

6.5 Kasarian at seksuwalidad

Impormasyon at suporta para sa mga taong may iba’t ibang seksuwalidad at kasarian.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang alamin kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.