Karapatan at Legal na Usapin / Rights and legal

Downloads

Karapatan mong tratuhin nang pantay at patas. May mga grupong adbokasiya na maaaring tumulong sa pagtatanggol ng iyong karapatan, legal na serbisyo para sa payo at kaalamang legal, at mga sanggunian upang makapaghanda para sa hinaharap.

Ang seksyon na ito ay naglalaman ng mga link sa mga serbisyo at impormasyon tungkol sa:

Ang iyong mga karapatan

Pag-unawa sa iyong mga karapatan bilang isang Australyano at bilang taong may kapansanan

Adbokasiya

Mga organisasyong makatutulong sa iyo upang maunawaan ang iyong mga karapatan

Serbisyong legal

Mga grupong nagbibigay ng legal na tulong at mga serbisyong nakatuon sa batas ng may kapansana

Pagpaplano para sa hinaharap

Pagpapatalaga ng tagapangalaga, kapangyarihan ng abugado (power of attorney), maagang pagpaplano para sa pangangalagang medikal, at paghahanda ng testamento o huling habilin

10.1 Ang iyong mga karapatan 

Kasama sa iyong mga karapatan ang makatarungang pagtrato, pagtrato nang patas sa iba, at ang kalayaang pumili para sa sarili.

Kung ikaw ay hinahadlangan sa paggamit ng iyong mga karapatan o nakararanas ng diskriminasyon, maaari kang magsampa ng reklamo sa tamang ahensyang legal o humingi ng tulong sa isang tagapagtaguyod.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

10.2 Adbokasiya 

Ang adbokasiya para sa may kapansanan ay nagtatanggol, nagtataguyod, at sumusuporta sa karapatang pantao. Ang mga grupong adbokasiya ay maaaring tumulong upang matiyak na ikaw ay hindi dinidiskrimina at tinatrato nang patas at may respeto.

Maaari kang maghanap ng mga tagapagtaguyod para sa may kapansanan sa iyong estado o teritoryo, o gamitin ang Ask Izzy Disability Advocacy Finder.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

10.3 Serbisyong Legal 

Maaaring kailanganin mo ng legal na tulong o payo sa ilang pagkakataon. Maaari kang makakuha ng payong legal mula sa Legal Aid o iba pang dalubhasang serbisyong legal, at may mga serbisyong legal na nakatuon sa mga usaping may kaugnayan sa kapansanan.

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.

10.4 Pagpaplano para sa hinaharap 

Mahalagang pag-isipan ang pangangalaga at mga desisyon na maaaring kailanganin mo sa hinaharap.

Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan (Department of Social Services)

Ang Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ay may polyeto na tumatalakay sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpaplano para sa hinaharap, pati na rin kung paano makakakuha ng legal at pinansyal na payo.

Basahin: Pagpaplano para sa hinaharap: mga taong may kapansanan

Tingnan kung anong mga organisasyon ang maaaring makatulong sa iyong pagpaplano para sa hinaharap

Alamin ang tungkol sa mga espesyal na trust fund para sa may kapansanan

Alamin kung ano ang maaari mong makuha sa iyong estado o teritoryo

Gamitin ang mapa o ang mga pindutan dito upang malaman kung ano ang magagamit sa iyong estado o teritoryo sa wikang Ingles.